Mariveles Bataan- Patay sa Ambush ang isang lalaki na kinilalang si Alex Zapanta residente ng Bonifacio St. Brgy. Poblacion Mariveles Bataan, matapos tambangan ang kanyang van ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Brgy. Balon Anito Mariveles Bataan bandang 10:00 ng umaga noong nakaraang Biyernes, June 18. Sugatan naman ang isa sa dalawa pang kasama ni Zapanta na Alyas "Boy". Patuloy pa ring iniimbestigahan ng awtoridad ang naturang krimen. Anggulong alitan sa lupa ang tinitingnang dahilan ng naturang krimen. kasalukuyang nakaburol ang mga labi ni Zapanta sa kanilang tahanan sa Bonifacio Street.
No comments:
Post a Comment