Thursday, July 15, 2010

MARIVELES BATAAN TRAGEDY...


Matapos hagupitin ng Bagyong Basyang ang Mariveles ay bumulaga sa mga residente ng Barangay Poblacion partikular na ang mga taga- Roman Blvd. at Bonifacio Street ang mga barko at barge sa kanilang dalampasigan. Isang eksena na hindi mo lubos na aakalain. Nagmistulang port ang tabing dagat ng Roman Blvd. hanggang De Guzman Blvd. Nagka patong patong at nagkabanggaan sa tabing dagat ang mga higanteng barko at barge. Kahindik-hindik ang hitsura ng mga barko na animoy pinaglaruan at pinalubog ng hangin na dala ni Bagyong Basyang. Ayon sa report ng TV Patrol (ABS-CBN) Domino effect ang nangyari kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang mga sasakyang pandagat na ito,Unang bumigay ang angkla ng isang malaking barko at bumangga ito sa iba pang barko na naka-angkorahe din sa laot, at dito na nagkabanggaan ang lahat nagresulta para itaboy sila ng napakalakas na hangin sa pampang. Bunsod ng pangyayaring ito ay umabot na sa labing-apat ang natagpuang bangkay na pawang mga mangingisda na sakay ng maliliit na fishing boat. Lima pa ang hindi natatagpuan. Ayon sa mga residente ng Mariveles, ito na raw ang pinakamatinding trahedya na nangyari sa kanilang bayan.

MARIVELES BATAAN, Direktang tinamaan ni BASYANG!!!


Direktang dumaan sa mismong Southern tip ng Bataan ang Bagyong Basyang noong nakaraang umaga ng July 14, 2010. Binayo ng napakalakas na hangin ang naturang lalawigan partikular na ang bayan ng Mariveles. Nagliparan ang napakaraming bubong ng bahay, nabunot ang mga puno at poste ng kuryente at nabalot ng dilim ang buong paligid sa kasagsagan ng pananalasa ni Basyang. Nabalot ng takot ang buong paligid dahil sa napakatinding hagupit ng bagyo. Makikita sa larawan ang mismong track ng Bagyong Basyang, taliwas sa ulat ng PAGASA na ito ay hindi tatama sa Metro Manila at iba pang kalapit na Probinsya.

Sunday, July 11, 2010

Inter- Barangay Volleyball League... Inilunsad sa Mariveles Bataan




Matagumpay na nailunsad ang Inter-Barangay Volleyball League sa bayan ng Mariveles Bataan, kaninang alas-2 ng Hapon sa Mariveles Peoples Park. Nakiisa at nakilahok ang 18 Barangay na bumubuo sa nabanggit na Bayan. Layunin ng palarong ito ang pagkakaisa ng lahat ng residente ng Mariveles. Kampanya na rin ito para makaiwas ang maraming kabataan sa masasamang bisyo gaya ng sigarilyo, alak at ipinagbabawal na gamot.